Boy Abunda, walang interes pumasok sa pulitika?

Ngayong nagsimula na ang panibagong election sa Pilipinas, isa-isa nang nagpa-file ng certificate of candidacy ang mga nais pumasok pulitika at ang mga nais manatili sa kanilang kasalukuyang puwesto.
Kabilang sa mga kumakandidato para sa midterm elections sa 2025 ang ilang kilalang showbiz personalities.
Pagdating sa mga may potensyal na kumandidato, isa ang batikang TV host na si Boy Abunda. Sa katunayan ilang beses na raw na-offer-an ang Fast Talk With Boy Abunda host na tumakbo sa iba't ibang posisyon. Ngunit lagi niya itong tinatanggihan.
“Dati pa,” pag-uulit ni Boy nang makapanayam siya kamakailan ng ilang piling entertainment media, kabilang na ang GMANetwork.com.
Dagdag pa niya, “I'm the only one in the family who's not into politics. Kung talagang… Wala talaga sa bituka. No fire in the belly.”
“My sister [Maria Fe Abunda], right now, is a congresswoman. She was nine-year vice mayor, nine-year mayor. Nanay [Lesing Abunda] was vice mayor, was a konsehal. My father [Eugenio Abunda] was a small-town politician. Hindi ko talaga siya [naisip].
Ibig sabihin ba nito ay sinasarado na niya ang pinto sa anumang oportunidad sa mga susunod na panahon?
Sagot ni Boy, “No. I never closed door, mahirap magbukas.”
Bagamat wala pa siyang interes maging bahagi ng pulitika, nilinaw naman niya, “Some of you know that I have a political consulting firm. I am familiar with politics. It has nothing to do with not knowing.”
Sa huli, diniin pa niya, “Hindi talaga, e. I love show business.”
Kilalanin pa si Boy Abunda sa gallery na ito:













