Bride-to-be, magkakaroon ng amnesia sa 'Regal Studio Presents: Sorry, Who Are You?'

Tungkol sa mahahalagang memories ang brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Sa episode na pinamagatang "Sorry, Who Are You?" susubukin ng isang aksidente ang relationship ng newly-engaged couple na sina Alex at Carol.
Habang inaayos ang bahay na pagsisimulan ng bagong buhay nila ni Alex, maaksidente si Carol.
Paggising niya, tila nabura lahat ng alaala niya tungkol sa buhay niya kasama si Alex.
Susubukan naman ni Alex ang lahat para bumalik ang memories ni Carol.
Maaalala pa kaya ni Carol ang pagmamahalan nila ni Alex?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Sorry, Who Are You," November 30, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






