Bridezilla, ite-terrorize ang isang mananahi sa 'Regal Studio Presents: Tailored for You'

Isang funny at touching na kuwento ang matutunghayan sa brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Tailored for You," kuwento ito ng isang masipag na mananahi at kliyente niyang "bridezilla."
Minana ni Elena (Angel Guardian) ang isang maliit na tailoring shop mula sa kaniyang ina.
Para palaguin ito, tatanggapin niya bilang kliyente ang influencer na si Annika (Mika Reins).
Magpapagawa ng wedding dress si Annika pero sa dami ng kaniyang demands, hindi sila magkasundo ni Elena.
Matatapos kaya ni Elena ang wedding gown ni Annika?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Tailored for You," September 7, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






