Bro code, masusubukan sa 'Regal Studio Presents: Car Wash Boys'

Isang longtime friendship ang masusubukan sa bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Sa episode na pinamagatang "Car Wash Boys," matagal nang magkaibigan at ngayon ay business partners na sina Marco at Timmy.
Ikagugulat nila nang bisitahin sila ng kanilang high school crush na si Rose sa car wash. Iimbitahin sila nito sa isang high school reunion.
Maaalala nina Marco at Timmy ang sumpaan nila sa isa't isa noong high school--wala ni isa sa kanila ang manliligaw kay Rose bilang respeto sa kanilang pagkakaibigan.
Tutuparin kaya nila ang pangakong ito? Bakit tila may napapansin si Timmy na kakaibang ikinikilos ni Marco?
Abangan ang brand new episode na "Car Wash Boys," July 2, 4:15 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Tunghayan ang simulcast nito sa GMA at GTV o kaya ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






