'Bubble Gang', 'AraBella' stars at Gabby Concepcion, nakisaya sa Pagbana-ag Festival

Puno ng saya at katatawanan ang hatid ng Bubble Gang stars na sina Chariz Solomon at Betong Sumaya nang dumalo sila sa Pagbana-ag Festival sa Hinoba-an, Negros Occidental.
Kasama rin nila ang ilang cast ng hit afternoon drama series na AraBella na sina Klea Pineda at Althea Ablan, at pati na rin ang Stolen Life star na si Gabby Concepcion para maghatid ng saya sa mga taga Negros Occidental.
Ipinagdiwang ng Hinoba-an ang ika-64 anibersaryo nito, kasabay ang ika-23 na pagdiriwang ng Pagbana-ag Festival.
Tingnan ang masayang pagdiriwang ng Pagbana-ag Festival kasama ang mga Kapuso stars sa gallery na ito:














