Buboy Villar, mala-Kris Bernal ang hairstyle!

Bago ang tawanan at intense na labanan ng "School Race" ng Running Man Philippines season two kagabi, June 1, may sorpresa na throwback photos ang mga Runner.
Binalikan nina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Miguel Tanfelix, Lexi Gonzales, Buboy Villar, Kokoy de Santos, at Angel Guardian ang panahon nung mga bata pa sila nang ipasilip ng 'Running Man PH' Korean staff ang ilan sa kanilang cute throwback photos.
Sino sa ating Pinoy Runners ang may pinaka the best na “aegyo?” Heto at silipin sa gallery na ito!








