Buboy Villar, mas nakikita na ngayon ang pagiging isang ama

Bukod sa pagiging magaling na aktor at komedyante, isang mabuting ama rin ang Running Man PH star na si Buboy Villar sa kaniyang dalawang anak. Taong 2017 nang isilang ng girlfriend niya noon na si Angillyn Gorens ang kanilang unang anak, si Vlanz Karollyn. Nasundan ito ng anak na lalaki, si George Michael noong 2019.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, August 7, sinabi ni Buboy na mas nakikita na niya ngayon ang kaniyang pagiging isang ama kumpara noon. Dito, inamin rin niya kung papaano mas hinahamon ang kaniyang pagiging ama.
Tingnan kung paano maituturing ni Buboy ang pagiging isang ama niya sa gallery na ito:









