Budyong, narinig sa kamaynilaan!

Hindi lang sina Gemma (Kylie Padilla), Crystal (Gabbi Garcia) at Onyx (Vin Abrenica) ang nakakarinig ng budyong!
Noong Biyernes, March 17, isang kakaibang tunog ang narinig ng mga tao sa kamaynilaan.
Kasabay ng tunog ng budyong ay ang paglabas ng ilang miyembro ng grupo ng mandirigma na Kinalakian na pinamumunuan ni Hara Urduja (Sanya Lopez) mula sa mythical primetime mega serye na 'Mga Lihim ni Urduja.'
Tignan ang mega support ng mga manonood para sa pinag-uusapang action-adventure series!






