Buhay ni 'Battle of the Judges' champion Marvin Peralta, tampok sa '#MPK'

GMA Logo Champion na Tatay

Photo Inside Page


Photos

Champion na Tatay



Champion siya sa kumpetisyon pero tila talunan naman pagdating sa personal niyang buhay. 'Yan ang kuwentong sa brand new episode ng '#MPK' o 'Magpakailanman.'

Isang magaling na aerialist si Marvin Peralta. Sa katunayan, sumali siya sa kumpetisyong 'Battle of the Judges' at hinirang pang kampeon nito.

Pero hindi naging madali ang buhay-pamilya ni Marvin. Hindi kasi matanggap ng kanyang asawang si Hannah na bisexual si Marvin. Sa tingin nito, hindi kayang maging mabuting ama at asawa ng isang taong ganito ang orientasyon.

Ano pa ba ang mga pagsubok na patuloy na hinaharap ni Marvin?

Abangan 'yan sa brand new episode na "Champion na Tatay: The Marvin Peralta Story," November 4, 8:00 p.m. sa '#MPK.'

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng '#MPK.'

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Marvin Pera
Martin del Rosario
Liezel Lopez
Lucho Ayala
Father and husband
Stunt
Champion na Tatay

Around GMA

Around GMA

Jeepney drivers keep Pangasinan moving amid fuel woes
Duty Free PH eyes strengthening retail ops, launches April campaign
Niana Guerrero's '2.0' dance cover gets notice from BTS members