Buhay ni Boss Toyo, tampok sa 'Magpakailanman'

Huwag palampasin ang talambuhay ng internet personality na si Boss Toyo sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Bago nakilala bilang content creator na si Boss Toyo, lumaki sa isang mapagmahal na pamilya si Jayson Luzadas.
Noong siya ay naging teenager, nalaman ni Jayson na ampon siya ng kanyang mga magulang.
Dahil hindi niya matanggap ang katotohanan, nagrebelde siya. Nalululong siya sa iba't ibang bisyo at napaligiran ng mga taong hindi mabuti para sa kanya.
Paano naisaayos ni Jayson ang kanyang buhay?
Abangan ang brand-new episode at unang Father's Month special na "Pinoy Pawnstar: The Boss Toyo Story," June 13, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






