Buhay ni Kapuso comedian Buboy Villar, tampok sa '#MPK'

Kuwento ng buhay ni Kapuso comedian Buboy Villar ang tampok sa isang episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.
Sa isang natatanging pagkakataon, si Buboy mismo ang gaganap sa sarili niyang talambuhay na pinamagatang "Luha sa Likod ng Tawa: The Buboy Villar Story."
Maagang naging breadwinner ng kanyang pamilya si Buboy. Iniwan kasi sila ng kanyang nanay na si Noemi dahil hindi na nito matiis ang pananakit ng lasenggong tatay ni Buboy na si Berto.
Itinaguyod ni Buboy ang pamilya sa pamamagitan ng pagiging child star. Nang makaipon, nilustay naman ni Noeme ang pinaghirapan ni Buboy sa maling mga investments at sa bagong nobyo niyang manggagamit din pala.
Paano nalampasan ni Buboy ang mga pagsubok na ito sa murang edad? Ano ang naging epekto nito sa kanya ngayong may sarili na rin siyang mga anak
Abangan ang natatanging pagganap ni Buboy Villar bilang kaniyang sarili sa "Luha sa Likod ng Tawa: The Buboy Villar Story," December 28, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






