Buhay ni Kiray Celis, tampok sa 'Magpakailanman'

Isang celebrity life story ang tampok sa ngayong Sabado sa Magpakailanman.
Mapapanood dito ang makulay na buhay ni newlywed actress and comedienne Kiray Celis.
Si Kiray pa mismo ang gaganap sa kanyang sarili at magdadala ng signature comedic style niya sa episode.
Tampok dito ang mga pagsubok na pinagdaanan ng pamilya ni Kiray lalo na noong bahagyang lumamlam ang kanyang career bilang isang artista.
Mapapanood din dito ang kakaibang love life ni Kiray na puno ng mga lalaking hindi siya nirerespeto at naging sanhi ng tampuhan sa pagitan niya at kanyang mga magulang.
Abangan ang kuwento ng buhay ni Kiray Celis sa "I Am Beautiful: The Kiray Celis Story," December 27, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






