Buhay ni Kokoy de Santos, tampok sa 'Magpakailanman'

Matapang na ibinahagi ni Kapuso actor at Sparkle star Kokoy de Santos ang kuwento ng kanyang buhay sa real life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "A Son's Promise: The Kokoy de Santos Story," matutunghayan dito ang pagsisikap ni Kokoy upang makapasok sa mundo ng showbiz.
Nakikita kasi niya ito bilang paraan para makatulong sa ama niyang seaman na nagtataguyod sa kanilang pamilya.
Bago naging isang matagumpay na artista sa GMA, ilang beses ding na-reject si Kokoy sa iba't ibang auditions. Noong kasing nagsisimula pa lang ang kanyang karera, bihirang mapili bilang leading men ang mga tulad niyang kayumanggi at 'di katangkaran.
Paano nagawa ni Kokoy na ipagpatuloy na habulin ang kanyang mga pangarap at mga pangarap ng kanyang pamilya?
Abangan ang "A Son's Promise: The Kokoy de Santos Story," January 17, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






