Buhay ni Shuvee Etrata, tampok sa 'Magpakailanman'

Tampok ang buhay ng Kapuso rising star na si Shuvee Etrata sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang "Pinoy Big Breadwinner: The Shuvee Etrata Story," mapapanood ang kuwento ng buhay ni Shuvee bago nakamtan ang tagumpay sa showbiz.
Parehong walang trabaho ang mga magulang ni Shuvee kaya sa murang edad, siya na ang tumayong breadwinner ng pamilya.
Gusto sana niyang maging doktor pero naudlot ang pangarap na ito nang pumasok siya sa showbiz.
Abangan ang inspiring na kuwento ng kanyang buhay sa brand-new episode na "Pinoy Big Breadwinner: The Shuvee Etrata Story," August 9, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






