Buhay ni vlogger at businessman Wilbert Tolentino, tampok sa 'Magpakailanman'

Buhay ng vlogger at businessman na si Wilbert Tolentino ang tampok sa bagong episode ng Magpakailanman.
Kilala si Wilbert bilang isang mapagbigay na vlogger at matagumpay na negosyante.
Pero bago ang lahat ng ito, lumaki siya na salat sa pagmamahal ng pamilya. Umalis siya sa poder ng mga ito at nagsikap na itaguyod ang sarili.
Noong unti-unti na siyang nakakaramdan ng ginhawa sa buhay, pakiramdam ni Wilbert na sinisingil siya ng karma dahil na rin sa nanatiling hidwaan sa pagitan niya at kanyang mga magulang.
Paano babaguhin ni Wilbert ang kanyang kapalaran.
Abangan ang brand-new episode na "A Son's Karma: The Wilbert Tolentino Story," August 3, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






