Bulag na piyanista, inaabuso ng kanyang live-in partner sa '#MPK'

Tungkol sa kapangyarihan ng musika ang brand new episode ng real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'
Pinamagatang "The Blind Pianist," tungkol ito sa iba't ibang pagsubok ng piyanistang si Luis na ipinanganak na bulag.
Inabandona siya ng kanyang biological mother na si Pauline.
Buti na lang, kinupkop naman siya ng mag-asawang Cion at Ponteng. Naging mapagmahal na kapatid din sa kanya ang anak ng mga ito na si Ric.
Sinuportahan ang pinagyaman ng mga ito ang talento ni Luis sa pagtugtog ng piano.
Pero masisira ang magandang relasyon ni Luis sa kanyang pamilya nang makilala niya si Mabel.
Mahal ni Luis si Mabel pero abusive at mapanakit ito.
Paano muling makakabangon si Luis mula sa mga kasawian niya sa buhay?
Abangan ang brand new episode na "The Blind Pianist: The Luis Abad Story," January 27, 8:15 p.m. sa '#MPK.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






