Butterfly farm, magiging safe space sa 'Regal Studio Presents: Oh My Butterfly'

Tungkol sa pagbabago ang brand-new episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Oh My Butterfly," kuwento ito ng isang butterfly sanctuary na magiging safe space ng binatang bagong laya mula sa isang juvenile detention facility.
Nagtatrabaho si Lilian (Cheska Fausto) sa butterfly farm ni Don Fidel (Francis Mata).
Bukod sa pag-aalaga ng mga caterpillar at paru-paro, makikiusap si Don Fidel kay Lilian na gabayan ang apo niyang si Edward (Bruce Roeland).
Kagagaling lang ni Edward mula sa Boys Town at tutuloy muna siya sa butterfly sanctuary para makapagsimula muli.
Tulad ng mga caterpillar na magiging paru-paro, yayakapin ba ni Edward ang pagbabago sa kanyang buhay sa tulong ni Lilian?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Oh My Butterfly," November 16, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






