Candy Pangilinan opens up about struggles in past relationship, being a single mom

Magkahalong lungkot at tuwa ang hatid ng exclusive interview ni Toni Gonzaga kay Candy Pangilinan sa kanyang vlog na 'Toni Talks.'
Sa vlog ni Toni, buong tapang na ikinuwento ng magaling na comedienne ang mga pinagdaanan niya sa buhay-- mula sa kanyang marital problems hanggang sa pagpapalaki sa kanyang pinakamamahal na anak na si Quentin, na na-diagnose na may attention deficit hyperactivity disorder o ADHD.
Updated as of April 5, 2025
Kamakailan lamang na-feature sa vlog ni Candy ang isang sitwasyon kung saan hindi niya napigilang mapaiyak matapos ma-trigger at magkaroon ng meltdown si Quentin.
"Napapagod na si mommy," saad ni Candy kay Quentin. "Hindi ka na makuha sa mabuting usapan. Hindi ka na makuha sa galit."
READ: Candy Pangilinan breaks down in tears after son Quentin's tantrum









