Caprice Cayetano, Clifford, Lee Victor, good vibes pa rin matapos ang intense scene sa 'You're My Favorite Song'

Cool at good vibes pa rin ang young stars ng hit GMA Afternoon Prime series na You're My Favorite Song matapos sumabak sa isang intense action scene!
Sa episode noong Miyerkules, nabaligtad ang mundo ni Calix matapos malaman ang totoo. Napagtanto niyang mali ang pambu-bully niya kay Angel, na nag-ugat lang sa maling akala dahil sa kumalat na video.
Bilang ganti, ipinahiya ng grupo ni Calix si Charm sa pamamagitan ng pagpaskil ng mga lumang larawan nito na may malalang tigyawat. Nang makorner ni Charm ang grupo, diretsahang sinabi ni Calix na desperada ito at kailanman ay hindi niya magugustuhan.
Matapos nito, sinubukan ni Calix na humingi ng tawad kay Angel kasama si Raviel (Lee Victor). Ngunit dahil sa galit sa pamamahiya sa kaniya, naghiganti si Charm na naging dahilan upang malagay sa panganib ang buhay nina Angel at Calix.
Sa isang serye ng behind-the-scenes photos, na ibinahagi ng official Instagram page ng GMA Public Affairs, kitang-kita ang young actors na sina Caprice, Clifford, at Lee na masaya at mataas pa rin ang energy matapos ang matinding eksena sa serye.
Patuloy na subaybayan ang matitindi at nakakakilig mga tagpo sa You're My Favorite Song kung saan tampok sina Heath Jornales, Clifford, Marco Masa, at Caprice Cayetano; Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime!
Silipin ang behind-the-scenes at off-cam photos ng YMFS cast sa gallery na ito.




