advertisement
TV

Caprice Cayetano, Clifford, Lee Victor, good vibes pa rin matapos ang intense scene sa 'You're My Favorite Song'

1 of 5

GeLix

Sa kabila ng matinding eksena sa You're My Favorite Song, nakuha pa ring mag-pose nang cute nina Caprice Cayetano at Clifford sa isang behind-the-scenes photo. Naka-matching sad face ang dalawa dahil sa nangyari sa kanilang mga karakter na sina Angel at Calix.

Sa nakaraang eksena, nanganib ang buhay ng dalawa nang harangin sila ng mga estudyante mula sa ibang school—isang ganti mula sa karakter ni Waynona Collings na si Charm matapos siyang ipahiya ni Calix sa Brighton Bay.

2 of 5

Bully to Savior

Kitang-kita naman ang saya ni Clifford sa isang candid photo matapos ang kaniyang intense at action-packed na eksena. Sa naturang eksena, sumabak siya sa pakikipaglaban upang protektahan si Angel (Caprice Cayetano) nang pagtangkaan itong saktan ng grupo ng mga kalalakihan, isang patunay sa pagbabago ng kaniyang karakter mula sa pagiging dating bully.

3 of 5

Best Buddies

Hindi rin nagpahuli sa pagpapakita ng kanilang cool side sina Clifford at Lee Victor! Isang fierce pose ang ipinamalas ng dalawa matapos ang kanilang fight scene sa serye.

Sa serye, gumaganap si Lee Victor bilang si Raviel, ang best friend ni Calix (Clifford). Kasama siya ni Calix na sinusundan si Angel (Caprice Cayetano) nang bigla silang sugurin ng mga lalaking inutusan ni Charm (Waynona Collings) para patumbahin sila.

advertisement
4 of 5

Angel and Raviel

Fresh at looking good pa rin sina Angel (Caprice Cayetano) at Raviel (Lee Victor) sa isang photo, kahit galing pa lang sila sa isang matindi at intense na eksena!

5 of 5

What's Next?

Cute photo alert! Nagsama-sama sa isang candid photo na bida na sina Angel (Caprice Cayetano), Miguel (Heath Jornales), Calix (Clifford), at Zion (Marco Masa). Pagkatapos ng patung-patong na intense scenes, ano pa kaya ang mga nakakikilig, nakasasabik, at nakagugulat na pasabog sa kanilang buhay? Subaybayan 'yan sa You're My Favorite Song!

Around GMA