advertisement
TV

Caprice Cayetano, gusto munang mag-focus sa karera at trabaho

1 of 10

Teenage life

Pagbabahagi ni Caprice, pinayuhan siya ng kanyang mga magulang na i-enjoy ang kaniyang teenage life, lalo na at ito ang isang bagay na hindi nila nagawa noon.

2 of 10

Tiwala

Ngunit paglilinaw ng young actress, may tiwala naman ang kaniyang mga magulang sa kaniya at sinabing may guidance ang happy crushes niya.

3 of 10

Ideal guy

Sa pagbisita ng PBB Celebrity Collab Edition former housemate Shuvee Etrata sa Bahay ni Kuya, ibinahagi ni Caprice ang ideal guy niya. Ngunit paglilinaw ng aktres sa naturang GMA Afternoon Prime Talk show, ang tinutukoy niya ay ang Daddy niya na si Chef Jorge Mendez. Sabi ni Caprice, "Si Daddy po kasi talaga 'yung naging standard ko po, si Daddy po talaga 'yung dahilan kung bakit mataas po 'yung standards ko.'

advertisement
4 of 10

Chef

Binalikan din ni Boy ang pagiging chef ng ama ni Caprice, at tinanong kung naisip ba ng aktres pasukin ang karerang ito.

5 of 10

Pastry chef

Ngunit ayon kay Caprice, imbis na chef, mas gusto niyang maging pastry chef.

6 of 10

Sweets

Pag-amin ni Caprice, "Gusto ko po ng pastry chef kasi mahilig din po talaga ako sa mga sweets."

advertisement
7 of 10

Dream

Nilinaw din ni Caprice na pangarap niya mismo ito, at hindi siya pinilit lang ng kaniyang daddy. Sa katunayan, nakasuporta lang ito at kaniyang mommy sa lahat ng gusto niya.

8 of 10

Close family

Samantala, ibinahagi rin ni Caprice na malapit sila bilang isang pamilya. Sa katunayan, importante ang quality time sa kanilang pamilya.

9 of 10

Non-gadget dependent

Inamin din ni Caprice na hindi rin siya madalas gumamit ng gadgets, bagay na ginagawa ng kanilang pamilya. Ito rin ang nakakatulong umano sa kanila para magkaroon ng quality time sa pamilya.

advertisement
10 of 10

Quality time

Pagbabahagi ni Caprice, "'Yung quality time namin, dinadaan po namin talaga sa sabay-sabay kumakain, sa mga restos."

Around GMA