Nagwagi ang Sparkle teen star na si Caprice Cayetano bilang Kapuso Big Winner sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Bago pumasok sa iconic na Bahay ni Kuya, napanood na si Caprice sa iba't ibang Kapuso shows tulad ng Strawberry Lane (2014), Mulawin vs. Ravena (2017), Kambal, Karibal (2017), Asawa Ko, Karibal Ko (2019), Prima Donnas (2019), Cruz vs. Cruz (2025), at iba pa.
Sa katunayan, nagsimula si Caprice sa showbiz industry bilang child star. Tingnan sa gallery na ito ang transformation ni Caprice Cayetano mula sa pagiging child actress hanggang teen star.
Isa si Caprice Cayetano sa mahuhusay na child stars ng Kapuso network. Naging bahagi na ang teen star ng iba't ibang Kapuso shows.
Sa Kapuso Profiles interview ni Caprice, ibinahagi ng aktres na nakuha niya ang kanyang first TV role sa 2014 Kapuso drama series na Strawberry Lane, kung saan gumanap siya bilang Kachuchay.
Ginampanan ni Caprice ang role bilang Ekay sa hit primetime series na Alyas Robin Hood (2016).
Napanood ang Sparkle actress sa Kapuso drama series na Poor Señorita bilang Girlie.
Binigyang-buhay ni Caprice ang role bilang Tagaktak sa 2017 fantasy drama series na Mulawin vs. Ravena.
Kabilang sa notable roles ni Caprice ay ang karakter niya bilang Young Criselda sa 2017 GMA primetime series na Kambal, Karibal.
Gumanap ang dating child star bilang Angela Angeles sa GMA Afternoon Prime series na Hindi Ko Kayang Iwan Ka noong 2018.
Noong 2019, ginampanan ni Caprice ang karakter bilang Belle sa 2019 Kapuso drama series na Asawa Ko, Karibal Ko.
Binigyang-buhay ni Caprice ang karakter bilang Young Donna Belle sa afternoon drama series na Prima Donnas.
Napanood din si Caprice sa "The Mother Who Left: The Fralei Gabor Story" episode ng award-winning Kapuso drama anthology na Magpakailanman, kung saan gumanap siya bilang Nicole.
Napanood na rin ang Kapuso star sa wish-granting program na Wish Ko Lang.
Gumanap si Caprice bilang isang kidnapped Filipino-Chinese teen sa primetime action series na Lolong: Pangil ng Maynila.
Marami ang humanga sa husay sa pag-arte ni Caprice sa hit family drama na Cruz vs. Cruz, kung saan ginampanan niya ang karakter na si Jessica.
Isa si Caprice sa Kapuso housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Nagwagi si Caprice bilang Kapuso Big Winner sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.