News

Carla Abellana, engaged na nga ba sa non-showbiz BF?

GMA Logo carla abellana showing her diamond ring
Photo source: carlaangeline (IG)

Photo Inside Page


Photos

carla abellana showing her diamond ring



Sinorpresa ni Carla Abellana ang publiko matapos niyang i-post sa social media kagabi, December 1, ang litrato ng kanyang kamay na may suot na diamond ring habang hawak ang kamay ng isang lalaki.

RELATED CONTENT: Celebrities and their dazzling engagement rings


Sa caption, isinulat ng aktres ang bible verse na Jeremiah 29:11: "\'For I know the plans I have for you,\' declares the LORD, \'plans to prosper you and not to harm you, plans to give you a hope and a future.\"



Nagdiwang ang fans at followers ni Carla at maging ang kapwa niya celebrities dahil sa kanyang post, na tila nagpapahiwatig ng kanyang engagement sa dine-date niyang non-showbiz guy.

Kabilang sa mga bumati kay Carla ang mga nakatrabaho at kaibigan niya sa GMA na sina Rhian Ramos, Thea Tolentino, Megan Young, Rocco Nacino, Rita Daniela, Rabiya Matteo, at iba pa.

Mensahe ni Megan kay Carla, "Congratulations @carlaangeline !!!! You deserve all the love and happiness in the world!!! So happy for you."

Ika naman ni Rhian, "The real deal."

Una nang kinasal si Carla sa aktor na si Tom Rodriguez noong October 2021. Matapos ang ilang buwan, nauwi ito sa hiwalayan.

Noong June 2022, binunyag ni Tom, isang US citizen, na pinal na ang diborsyo ng kanilang kasal. Sa ngayon, may kinakasama si Tom at may anak silang lalaki na nagngangalang Korben.

Noong July 2025 unang nag-post ni Carla tungkol sa dine-date niyang mystery guy. Ayon kay Carla sa guest appearance niya sa Fast Talk with Boy Abunda, matagal na silang magkakilala ng lalaki.

Lumabas din sa mga ulat na ikakasal na sila nito ngayong Disyembre, bagay na hindi dinenay o kinumpirma ng aktres.

"Kung totoo man po 'yun o hindi, of course, that's part of my private life. I would like to keep it private. I invoke my right to self-incrimination so I refuse to say yes, I refuse to say no," ika niya sa isang panayam.

Samantala, huling napanood si Carla sa 2024 GMA primetime series na Widow's War.

RELATED CONTENT: Call Out Queen: The times Carla Abellana boldly made her voice heard


Anomalous flood control projects
Fierce Carla
Lavish lifestyle
Tax corruption
Real estate tax
Water utility bill
Statement
Internet
Animal welfare
Rescue

Around GMA

Around GMA

Basketball Tournament - December 5, 2025 | NCAA Season 101
#WilmaPH maintains strength east of Borongan City, E. Samar
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year