Carla Abellana, ikakasal na nga ba ulit?

Sinagot ni Carla Abellana ang usap-usapan online na malapit na umano siyang ikasal ulit.
"Kung totoo man po 'yon o hindi, of course, that's part of my private life. I would like to keep it private. I invoke my right to self-incrimination. So, I refuse to say yes, I refuse to say no," sagot ni Carla sa interview kay Athena Imperial ng 24 Oras.
Sa usapin naman ng pagpapakasal, kung dati ay nasabi ni Carla na ayaw na sana niyang ikasal, tila nagbago na ang kanyang pananaw ngayon.
"That's coming from a person who's very wounded and broken. Of course, I'm a different person today than I was before or yesterday," dagdag ng aktres.
Ayon kay Carla, naging mahirap at matagal sa kanya ang healing process mula sa nakaraang heartbreak sa dating asawa na si Tom Rodriguez.
Aniya pa, nakikipag-date pa rin siya at kung may kailangan man siyang i-reveal ay siya na mismo ang magre-reveal nito sa takdang panahon.
"Ayoko na po ng showbiz. Kung feel ko pong exclusive, exclusive po. Pero 'pag hindi po, gusto ko mag-enjoy, okay lang, depende kung sino pong ka-jive ko. Basta maayos na tao, wala pong tinatago."
Sa interview sa Fast Talk with Boy Abunda noong September 2025, ni-reveal ni Carla na nakikipag-date siya sa mystery guy na laman ng ilan niyang Instagram posts, at sinabing hindi ito AFAM.
Balikan ang naging interview ni Carla sa 'Fast Talk With Boy Abunda':











