advertisement
Showbiz News

Carla Abellana, ikakasal na nga ba ulit?

1 of 12

Carla Abellana

Inilahad ni Carla Abellana sa 'Fast Talk with Boy Abunda' kung ano na ngayon ang estado ng kaniyang puso pagkatapos ng kaniyang pinagdaanang divorce kay Tom Rodriguez.

2 of 12

Carla's happiness

Inamin ni Carla na nahirapan siyang maging masaya ulit sa naranasan niya sa kaniyang buhay pag-ibig.

"It comes with the pain, heartbreak. Medyo mahirap po na maging masaya pa rin, optimistic and mahalin pa rin ang buhay kapag malalim at matindi ang pinagdadaanan."

3 of 12

Questions

Ayon sa 'Widows' War' star, umabot siya sa puntong kinuwestiyon niya ang Diyos.

"Umpisa pa lang po. Because kumbaga everything was so shocking, so abrupt, so instant na parang I couldn't comprehend. hindi ko po ma-figure out why."

advertisement
4 of 12

Lessons

Ayon kay Carla, ang kaniyang natutunan sa naranasang failed marriage ay "kapag hindi na po tama or too much already, hindi na po dapat ipilit pa."

5 of 12

Happy

Masaya na raw si Carla ngayon.

"It was a difficult journey to get to this point, but yes. Definitely, confident po ako na sabihin na I am happy."

6 of 12

Process

Inilahad ni Carla dumaan siya sa mahabang proseso bago niya marating ang estadong ito ng kaniyang buhay.

"I surrendered to God and by God's grace nadala niya po ako dito."

advertisement
7 of 12

Forgiving and forgetting

Nakapagpatawad na raw si Carla sa mga nangyari sa kaniya. Pero ayon kay Carla hindi niya pa ito nakakalimutan.

"No, medyo ano pa po e I mean it doesn't just leave your head, your heart, even the body po e naaalala pa rin po. Lalo na kasi it wasn't so long ago."

8 of 12

Divorce

Itinanong ni Boy Abunda kung ano na ang estado nina Carla at Tom. Sagot ni Carla, "We are divorced, recognized na po 'yan ng korte, ng local court po natin dito... We haven't spoken since, hindi pa po kami nagkikita or nag-uusap."

9 of 12

Anger

Saad ni Carla wala na siyang galit sa kaniyang puso.

"Hundred percent, ang hirap po ng may bitbit na galit. Life is so short, if you hold on to anger, it will just ruin you, it will manifest sa health. Dala-dala mo po 'yun e."

advertisement
10 of 12

Meeting Tom

Sakaling makaharap ni Carla si Tom wala na raw siyang sasabihin sa kaniya.

"I won't say anything. Wala naman po akong kailangang sabihin."

11 of 12

Finding love

Tinanong din ni Boy ay kung bukas ba si Carla sa pag-entertain ng mga manliligaw.

Sagot ni Carla, "Hindi ko po masyadong iniisip especially with the amount of work that we have and the very little time that we have for ourselves to rest, to recover, for personal matters. Hindi po siya priority."

12 of 12

Stronger

Inamin ni Carla kung paano siya binago pagkatapos ng kaniyang pinagdaanang failed marriage.

"Stronger, wiser, and medyo contradictory pero vulnerable at the same time."

advertisement

Around GMA