Carla Abellana, sinagot ang tanong kung aalis ng GMA

May nilinaw ang primetime actress na si Carla Abellana tungkol sa pagkalas niya sa dati niyang manager na si Popoy Caritativo.
Kakapirma lang ng kontrata ng versatile Kapuso actress sa All Access to Artists (o Triple A). Ang Triple A ay ang talent management agency na humahawak sa careers nina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at former Daddy's Gurl star Maine Mendoza.
Ano nga ba ang dahilan nang hindi niya pag-renew kay Popoy Caritativo?
Paliwanag ni Carla sa report ng 24 Oras, “Wala naman pong away na naganap”, saad niya , “Kumbaga naghanap lang po ako basically talaga ng change. Turning a new leaf ika nga.”
Naglabas din ng pahayag ang Stolen Life actress sa bali-balita na lilipat na siya ng network.
Ayon sa kaniya, ang “loyalty” niya ay nasa GMA-7 na labing-apat na taon na niyang tahanan.
“Ever since naman po GMA naman po ako, Kapuso po ako. Fourteen years na po, of course I will love to stay. My loyalty is with GMA.”
STUNNING SELFIES OF CARLA ABELLANA:
Binigyan-diin din ni Carla sa idinaos na contract signing sa Triple A na hindi niya sinasara ang pintuan na maging kaibigan ang kanyang ex-husband na si Tom Rodriguez.
Matatandaan na noong June 2022 ay kinumpirma mismo ni Tom na divorced na siya kay Carla, matapos silang ikasal sa San Juan Nepomuceno Parish sa San Juan, Batangas noong October 23, 2021.
"Ayoko ko po kumbaga tuldukan 'yung ganun or ayaw ko maging definite sa kahit ano'ng bagay.”, ani Carla, “Anything can happen po talaga. So, wala po akong gustong parang i-finish, i-finalize [or] i-set.”














