Carla Abellana Weighs In on Flood Issue, Politics

Nakakuha ng bagong bansag si Kapuso star Carla Abellana at tinatawag siya ngayon bilang "Call-out Queen" ng netizens. Ito ay dahil sa pagtawag niya ng pansin sa iba't ibang isyu. Kamakailan lang ay nagbigay pansin siya sa flood control controversy kung saan isinasangkot ang ilang senador at pribadong kumpanya.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, September 25, inamin ni Carla na natatawa na lang siya minsan sa mga bagong bansag sa kaniya ng netizens. Ipinahayag din niya ang bilib sa mga Pilipino sa pag-iisip ng naturang mga titulo.
“Pero I guess, in a way, medyo flattered, parang ganu'n, kasi nabibigyan po ng title, nabibigyan po ng pansin, in a way, so for me parang laughing matter siya,” sabi ni Carla.
Dahil may ilang isyu na siyang pinansin, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung may mga pamantayan ba si Carla sa mga isyu na tutugunan niya.
Ani Carla, “Yes, ako po, as long as I'm affected by it or it hits me personally, parang ganu'n po na parang I feel involved or I feel like I'm affected by it, parang directly in some way, that's when I really, parang lumalabas po kasi 'yung frustration, galit.”
Tingnan sa gallery na ito kung anu-ano ang mga saloobin ni Carla sa naturang isyu, at sa tanong kung handa ba siyang pasukin ang mundo ng pulitika:









