advertisement
TV

Carlo Aquino, binalikan ang pelikula nila noon ni Vilma Santos na 'Bata, Bata, Paano ka Ginawa?'

1 of 10

Age

Pagbabahagi ni Carlo, edad 13 o 14 siya nang gawin ang Vilma Santos starrer.

2 of 10

Preparations

Bilang isang teenager, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung anong paghahanda ang ginawa ni Carlo. Ayon sa aktor, "Well, kapag ang director mo ay isang Chito Roño, parang wala kang choice kundi dumating sa set ng handa na."

3 of 10

Vilma Santos

Kaeksena ni Carlo si Vilma Santos sa isa sa mga pinaka hindi malilimutang tagpo sa pelikula kaya naman ayon sa actor, kailangan niyang maging handa.

advertisement
4 of 10

Prepared

Pagbabahagi ni Carlo, "Dapat prepared ka na, wala ng actors cue."

5 of 10

Emotions

Pagbabahagi pa ni Carlo, may gusto rin umanong palabasin si Direk Chito na emosyon noon mula sa kaniya.

6 of 10

Triggered

Ani Carlo, "May gusto pa rin ilabas si Direk Chito kaya feeling ko, tini-trigger niya ako with the microphone, nasa monitor pa na 'Ano ba?! Humarap ka kaagad!' gumaganu'n siya."

advertisement
7 of 10

Lumabas sa eksena

At dahil umano sa mataas na emosyon niya noong ginagawa ang pelikula, kung kaya ganu'n ang kinalabasan ng kanyang eksena.

8 of 10

Paloob

Nang tanungin naman siya ng batikang host kung ano pa ang pwede niyang gawin para mas mapaganda pa ang eksena, sinabi ni Carlo na maaari niya sanang gawin mas paloob pa ito, mas kalmado, at mas nanggagaling sa puso.

9 of 10

Mabibigat na eksena

Pagbabahagi ni Carlo, madali naman sa kaniya ang bumitaw mula sa mabibigat na eksena. Ngunit pag-amin niya sa pagkakataong iyon au iba ang nangyari.

advertisement
10 of 10

Pagpag

Sabi ng aktor, isang paraan niya para makabitaw sa role ay magpagpag o kaya naman, uminom ng tubig.

Around GMA