Ipinagmamalaki ni Carlos Yulo ang pinaghirapan ng kaniyang mga kapatid na sina Jorielgel, Eldrew, at Elaiza.
Sa kaniyang posts sa social media, ibinahagi ni Carlos ang masayang kaganapan ng house blessing ng kaniyang mga kapatid. Isa itong milestone na tunay niyang ikinatuwa bilang nakatatandang kapatid.
Silipin ang mga naganap sa house blessing at mga post ni Carlos:
Proud na kuya si Carlos Yulo sa latest achievement ng kaniyang mga kapatid. Kasama niyang nag-celebrate sa milestone ng mga kapatid ang kaniyang girlfriend na si Chloe San Jose.
Ipinakita ni Carlos Yulo na sina Jorielgel, Eldrew, at Elaiza ay nagpa-house blessing.
Saad ni Carlos Yulo, "You guys did it! From dreams, prayers, and hard work, to finally having a place to call your own; your own peace and your own beginning."
Makikita sa Instagram at TikTok posts ni Carlos Yulo ang mga naganap sa house blessing.
Proud din ang magkakapatid na sina Jorielgel, Eldrew, at Elaiza Yulo sa kanilang achievement.
Mensahe ng two-time Olympic gold medalist sa mga kapatid, "Congratulations, Ate @joryeng , @karll_yulooo and @yuloelaiza on your house blessing. Proud ako sainyo."
Nakatanggap ng positibong mensahe sa social media ang magkakapatid. Ilan sa kanila ay umaasang madagdagan pa ang blessings para sa kanilang magkakapatid.