Carlos Yulo, sinalubong ng mga Kapuso sa GMA Network

Mainit na sinalubong hindi lang ng buong Pilipinas at ng Malacañang ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, kundi ng buong GMA Network nang bumisita ang atleta nitong Martes, August 20.
Isang Grand Kapuso Welcome ang ibinigay ng network kina Carlos, at Gymnastics Association of the Philippines President Cynthia Carrion.
Sinalubong siya ng hindi lang ng GMA Executives na sina President at Chief Executive Officer Gilberto Duavit Jr., Executive Vice President at Chief Financial Officer, Felipe S. Yalong, Senior Vice President Attorney Annette Gozon-Valdez, at Senior Vice President at Head ng GMA Integrated News na si Oliver Victor B. Amoroso, kundi ng buong network.
Proud at grateful ang GMA Executives sa pagbisita ni Carlos at sa pagbibigay niya ng inspirasyon para sa mga Pilipinong atleta na nangangarap din makapasok sa olympics.
Tingnan ang mga naganap sa Kapuso Grand Welcome ni Carlos Yulo sa gallery na ito:












