Carmina Villarroel, nasorpresa sa bonggang birthday suprise ng pamilya

Ipinagdiwang kamakailan ni Carmina Villaroel ang kaniyang ika-50 kaarawan. Kaya naman naghanda ang asawa niyang si Zoren Legaspi at mga anak nilang sina Cassy at Mavy ng sorpresa para sa ilaw ng kanilang tahanan.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, August 19, ibinahagi ni Zoren na, gaya ng sorpresa niya noon na kasal, nagawa nilang sorpresahin si Carmina dahil may magaling siyang teammates, ang kambal nilang anak na sina Cassy at Mavy.
“Natuloy 'yung surprise because of 'yung team mate ko, si Maverick and Cassie, magaling na ka-teammate. So, a lot of people were asking, 'Bakit na-surprise 'yan, imposible namang hindi alam?' or 'Ba't nadamitan?'” pagbabahagi ni Zoren.
Marami rin umanong kumuwestiyon kung bakit nakaayos at maganda ang damit ni Carmina kung isa itong sorpresa.
Alamin sa gallery na ito kung paano nagawa nina Zoren, Cassy, at Mavy na pag-ayusin si Carmina at sorpresahin ito:









