Ipinarating ni Cassy Lavarias ang kanyang taos-pusong pasasalamat para sa lahat ng nagmahal sa kanyang karakter na si Gaiea sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Nagbigay rin siya ng mensahe para sa lahat ng bumuo sa hit fantaserye at sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya.
Binalikan din ni Cassy ang ilang memories mula sa kanyang taping sa Sang'gre. Tingnan sa gallery na ito:
Isang malaking karangalan para kay Cassy Lavarias na naging parte ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.
"Avisala Eshma sa pagmamahal ninyo kay Gaiea," sulat ni Cassy Lavarias.
Nagpasalamat din si Cassy Lavarias sa lahat ng bumubuo sa Sang'gre. Sabi niya, "Nagpapasalamat po ako sa bumubuo ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa tiwala na binigay nyo sa akin."
Ipinarating din ni Cassy Lavarias ang mensahe para sa mga Encantadiks na nagmahal sa Sang'gre: "Avisala Eshma, Encantadiks, sa walang sawang pagsuporta sa Encantadia Chronicles: Sang'gre."
Sa pagtatapos ng Sang'gre, tinulungan ni Bathalumang Cassiopea (Solenn Heussaff) si Gaiea (Cassy Lavarias) na muling magkaroon ng buhay.
Ang mag-apwe (kapatid) na sina Gaiea (Cassy Lavarias) at Terra (Bianca Umali)
Si Gaiea (Cassy Lavarias) kasama ang ada na si Danaya (Sanya Lopez) at apwe na si Terra (Bianca Umali)
Sina Alena (Gabbi Garcia), Danaya (Sanya Lopez), at Pirena (Glaiza De Castro) kasama si Gaiea (Cassy Lavarias)
"Ivo live, Encantadia! Hanggang sa muli, Encantadiks!" - Gaiea