Cast ng 'Abot Kamay na Pangarap,' nagpasaya sa MassKara Festival sa Bacolod

Pahinga muna sa panggagamot sina Doc Analyn Santos at ang mga bida ng hit medical afternoon series na Abot Kamay na Pangarap na sina Jillian Ward, Ken Chan, at Jeff Moses para magpasaya sa MassKara Festival sa Bacolod.
Ang MassKara Festival ay ipinagdidiwang tuwiong ika-19 ng Oktubre bilang Festival of Smiles, isang paraan para mapasaya ang mga taong nalugmok matapos ang trahedya sa karagatan noong 1980 kung saan sumalpok ang MV Don Juan sa isang oil tanker na ikinamatay ng 18 katao, habang 115 ang nawawala.
Silipin ang nangyari sa MassKara Festival sa gallery na ito:









