Kasado na ang pinakabagong suspense drama series ng GMA na pinamagatang 'Akusada,' na pagbibidahan ng Kapuso actress na si Andrea Torres.
Masayang nagkita-kita sa story conference ang cast ng bagong programa nitong Lunes, March 24.
Kabilang sa mga aktor na makakatrabaho ni Andrea sa serye ay sina Benjamin Alves at Lianne Valentin, na parehas na napanood sa 'Widows' War' na isa ring suspense drama.
Silipin ang highlights sa naganap na story conference at kilalanin ang iba pang cast members ng 'Akusada' sa gallery na ito.
Fiery in blue si Andrea Torres sa story conference ng bagong seryeng kaniyang pagbibidahan.
Kaabang-abang ang istorya ng karakter ni Andrea Torres sa 'Akusada.'
Tiyak na muling aabangan ng viewers ang karakter ni Benjamin Alves sa isa na namang suspense drama.
Sa kauna-unahang pagkakataon, makakatrabaho nina Benjamin Alves at Andrea Torres sa isang serye ang batikang direktor na si Direk Dominic Zapata.
Glowing na dumating sa story conference ang Kapuso actress na si Lianne Valentin.
Mapapanood sa upcoming suspense drama ang Sparkle stars na sina Princess Aliyah at Marco Masa.
Spotted din sa story conference ang mga aktor na sina Arnold Reyes at Jeniffer Maravilla, na kabilang din sa cast ng 'Akusada.'
Tampok din sa serye ang Sparkle star na si Jourdanne Baldonido.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Andrea Torres, ibinahagi niyang sobrang excited na siya sa kaniyang pagbabalik sa GMA Afternoon Prime.
Present din sa event ang Program Manager ng 'Akusada' na si Ms. Edlyn Tallada.
Dumalo rin sa story conference ang Creative at Production team ng 'Akusada.'
Abangan ang pagsisimula ng suspense drama series na 'Akusada' ngayong taon sa GMA Afternoon Prime!