Cast ng 'Bar Boys: After School', ipinasilip na

Sa inilabas na trailer ng Cinema Bravo at ng 901 Studios PH, ipinasilip na ang kuwento ng much-awaited sequel ng 'Bar Boys', ang 'Bar Boys: After School'.
Matapos itong mailabas noong Miyerkules, November 12, umani agad ito ng atensyon at magagandang reaksyon mula sa manonood.
Ngayong Biyernes, November 14, umabot na ito ng mahigit sa tatlong milyong views sa lahat ng social media platforms sa loob ng 24 oras.
Sa sequel na ito, matutunghayan ang pagkikita muli ng law school barkada na sina Erik, Torran, Chris, at Josh matapos mabalitaan ang masamang kalagayan ng kanilang law school mentor.
Ipinasilip na rin dito ang mga bagong mukha na mapapanood sa bagong yugto ng kuwento ng apat na magkakaibigan.
Ang pelikulang ito ay mula sa direksyon ni Kip Oebanda at mapapanood sa darating na Pasko, December 25 sa pagdiriwang ng 51st Metro Manila Film Festival sa bansa.
Kilalanin ang mga karakter at mga bagong makakasama sa pelikulang 'Bar Boys: After School' sa gallery na ito:










