Cast ng 'Lolong: Bayani ng Bayan,' pinaliguan!

Puspusan na ang paghahanda para sa pangalawang season ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show na Lolong: Bayani ng Bayan.
Sumabak na ang cast nito sa photo shoot para sa publicity stills na gagamitin sa programa.
Malaki ang papel ng mga buwaya sa ilog sa kuwento ng serye, kaya sinigurado ng programa na may elemento ng tubig sa cast photos.
Naging masaya naman ang shoot dahil nagkaroon ng basaan habang kinukunan ang mga litrato.
Narito ang exclusive behind-the-scenes look sa publicity shoot ng Lolong: Bayani ng Bayan.
Abangan ang dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, January 2025 sa GMA Prime.











