Ipinakilala na ang stellar cast na bubuo sa upcoming Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Shining Inheritance sa naganap na story conference nitong Linggo, September 18.
Ang nasabing serye ay kilala rin bilang Brilliant Legacy na napanood sa GMA noong 2009.
Ang Shining Inheritance ay pagbibidahan nina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, at Ms. Coney Reyes.
Makakasama rin sa stellar cast ng serye sina Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Roxie Smith, Seth Dela Cruz, at Charlize Ruth Reyes.
Silipin ang naganap na story conference ng Shining Inheritance sa gallery na ito.
Nagsama-sama sa unang pagkakataon ang cast ng upcoming Philippine adaptation ng Korean series na Shining Inheritance sa naganap na story conference nitong Lunes, September 18.
Muling ipamamalas ni Kate Valdez ang kanyang galing sa drama. Sa panayam ng GMANetwork.com kay Kate, labis ang saya ng Sparkle actress na naging bahagi siya ng serye at excited na siyang makatrabaho ang kanyang co-stars.
“Excited ako and I feel so blessed and happy na isa po ako sa napili na mag-portray ng isang role dito sa Shining Inheritance. Excited ako sobra na makatrabaho 'yung mga actors na hindi ko pa nakakatrabaho. Mostly dito, si Kyline and si Paul pa lang 'yung nakaka-work ko and the rest hindi pa. So I'm very excited and happy and blessed,” pagbabahagi niya.
Kabilang sa cast ng Shining Inheritance ang Kapuso heartthrob na si Michael Sager. Ayon kay aktor, nakaramdam siya ng pressure ngunit nagpapasalamat siya na naging parte ng upcoming na serye.
“Noong nag-screen test ako for this show, I watched the K-drama. Sabi ko, 'Ano ba 'tong show na ito?' First, I watched it lang to get a gist of it pero na-addict ako sa show, as in ang ganda niya, natapos ko 'yung buong series.
"So noong na-announce na nakuha ko na 'yung role, grabe like until now pagpasok, kinakabahan ako kasi it's such a great project. And for me, there's pressure but I'm just so excited and thankful to be a part of it,” aniya sa interview ng GMANetwork.com.
Isa sa lead stars ng Shining Inheritance ay ang Sparkle actress na si Kyline Alcantara. Sa “Showbiz Saksi” report ni Nelson Canlas, inamin ni Kyline na kinakabahan siya muling gumanap bilang kontrabida.
“Natatakot ako bilang maging kontrabida ulit kasi kung dati po comfort zone ko siya, ngayon hindi na po. So kinakabahan po ako,” aniya.
Makakasama rin ang Kapuso hunk na si Paul Salas sa Philippine adaptation ng Shining Inheritance. Labis ang pasasalamat ng aktor sa oportunidad na ibinigay sa kanya na mapabilang sa nasabing serye at excited na siyang makatrabaho ang iba pang cast members.
Mapapanood ang veteran actress na si Ms. Coney Reyes sa Shining Inheritance.
Ang batikang aktres na si Glydel Mercado ay bahagi rin ng cast ng Shining Inheritance.
Honored ang Kapuso actress na si Roxie Smith na napabilang sa stellar cast ng Shining Inheritance.
Abangan ang Sparkle child star na si Seth Dela Cruz sa Shining Inheritance.
Ang social media star na si Charlize Ruth Reyes, o “Charuth,” ay kasama rin sa cast ng serye.
Ang upcoming Philippine adaptation ng Korean drama series na Shining Inheritance ay sa ilalim ng direksyon ni Jorron Lee Monroy.
All-smiles ang cast ng Shining Inheritance sa naganap na story conference nitong Lunes, September 18. Kitang-kita ang kanilang excitement na makatrabaho ang isa't isa sa serye.
Abangan ang Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Shining Inheritance, soon sa GMA.