Cast ng 'Strange Frequencies,' ikinuwento ang mga nakakakilabot na experience sa Taiwan

GMA Logo Enrique Gil, Jane De Leon, Rob Gomez, Alexa Miro, MJ Lastimosa, Raf Pineda, Ryan Zarckaroo Azurin

Photo Inside Page


Photos

Enrique Gil, Jane De Leon, Rob Gomez, Alexa Miro, MJ Lastimosa, Raf Pineda, Ryan Zarckaroo Azurin



Tapos na ang Halloween pero may pahabol na istoryang kababalaghan ang cast ng Strange Frequencies. Naranasan nila ito noong nag-taping sila sa Taiwan.

Kinikilala bilang kauna-unahang meta found-footage horror film sa Pilipinas, ang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital ay mapapanood na sa Disyembre 25, isa sa mga pelikula na kasama sa Metro Manila Film Festival. Ito ay pinagbibidahan nina Enrique Gil, Jane De Leon, Alexa Miro, Rob Gomez, MJ Lastimosa, tarot reader Raf Pineda, at content creator Ryan “Zarckaroo” Azurin.

Sa kanilang pagdalaw sa Xinglin Hospital, isang abandonadong building sa West Central District ng Taiwan, inamin ng buong cast na may kakaiba talaga silang naramdaman sa lugar.

Ikinuwento ni Enrique, may isang scene na naging totoo ang kanilang gulat dahil bumagsak nang kusa ang lamesa.

Dagdag ni Alexa, "In one of our devices, may naririnig kaming mga voices na nagpapanggap na kami, so winawarningan kami ng mga spirit na mag-ingat kami or something."

Sabi naman ni Enrique na lahat ng bagay ay "freaky" sa kanila habang nasa loob ng ospital.

Sa kabila ng mga nakakakilabot na experience, hindi naman nila malilimutan ang kanilang mga magagandang bonding sa Taiwan.

Ikinuwento ni Rob na naging memorable ang trip nila sa Taiwan kapag sila ay kumakain sa labas, umiinom, at naglalaro ng card games. Pinakapaborito rin ni Alexa ang pagpunta nila sa night market para matikman ang mga masasarap na pagkain.

Itinanong kung sila ay babalik sa bansa kahit nakaranas sila ng mga nakakatakot na karanasan, kaagad na sumagot ang cast ng "Oo!"

Kilalanin ang cast ng Strange Frequencies sa ibaba.


First meta-found-footage horror film
Ghost hunters
Film/TV Star Producer
Actor
Actress
Actress
Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants