Ipinakilala na sa isang story conference ang iba pang cast na bubuo sa TV adaptation ng iconic film na Maging Sino Ka Man na pagbibidahan ng Kapuso love team na sina Barbie Forteza at David Licauco (BarDa).
Naganap ito noong July 5, sa GMA Network Studio Annex. Dinaluhan ito ng BarDa at kapwa GMA artists nila na sina Juancho Trivino, Faith Da Silva, Mikoy Morales, at Rain Matienzo.
Star-studded ang lineup ng cast ng Maging Sino Ka Man dahil parte rin nito ang mga batikang artista na sina E.R. Ejercito, Jeric Raval, at Jean Garcia.
Sa Maging Sino Ka Man, mapapasabak din sa action sina Barbie at David bukod sa drama.
Sasailalim ito sa direksyon ni Enzo Williams na direktor ng acclaimed films na "Bonifacio: Ang Unang Pangulo" at "The Escort."
Tingnang ang mga larawan mula sa story conference ng Maging Sino Ka Man.
Bida sina Barbie Forteza and David Licauco sa TV adaptation ng early '90s film na 'Maging Sino Ka Man.'
Gaganap si Barbie Forteza bilang Monique, na orihinal na ginampanan ni Megastar Sharon Cuneta.
Si David Licauco naman ay lalabas bilang Carding, na binigyang-buhay ng action star at ngayo'y senador na si Robin Padilla sa pelikula.
Muling gaganap na kontrabida si Juancho Trivino. Siya si Gilbert, na orihinal na ginampanan ni Edu Manzano, sa TV adaptation ng 'Maging Sino Ka Man.'
Proud namang ipinakita ni Faith Da Silva ang kanyang script para sa 'Maging Sino Ka Man' kung saan gaganap siyang Cleo.
Best friend ni Barbie Forteza si Rain Matienzo sa 'Maging Sino Ka Man.'
Katatapos lang ng serye niyang 'Nakarehas na Puso' noong Enero, may bago muling proyekto ang batikang aktres na si Jean Garcia. Gaganap siyang Belinda sa 'Maging Sino Ka Man.'
Nagbabalik-teleserye ang beteranong action star at dating pulitiko na si E.R. Ejercito sa 'Maging Sino Ka Man' na isang romantic action drama. Gaganap siya rito bilang Boss Frank, isang businessman at pinuno mga sindikato.
Kabilang din sa star-studded cast ng 'Maging Sino Ka Man' ang aktor na si Jeric Raval.
Grateful sina David Licauco at Barbie Forteza na nabigyan agad sila ng bagong proyekto matapos ang 'Maria Clara at Ibarra,' kung saan sila nakilala sila bilang Fidel at Klay o mas kilala bilang FiLay.
Sa story conference pa lang ng bago nilang serye, kinakiligan na agad sina David Licauco at Barbie Forteza, na BarDa kung tawagin ng kanilang fans.
Full support ang aktor at anak ni E.R. Ejercito na si Jerico Ejercito sa kanyang ama dahil dumalo rin ito sa story conference ng 'Maging Sino Ka Man.'
Nakahabol naman sa script reading si Mikoy Morales na gaganap bilang Libag, ang best friend ni Carding. Orihinal itong binigyang-buhay ni Dennis Padilla.
Ang 'Maging Sino Ka Man' ay sasailalim sa direksyon ni Enzo Williams.