Isa sa mga bagong handog ng GMA Network ngayong 2025 ay ang upcoming drama series na Cruz vs. Cruz.
Ang stellar cast ay binubuo nina Vina Morales, Gladys Reyes, Neil Ryan Sese, Kristoffer Martin, Pancho Magno, Lexi Gonzales, Gilleth Sandico, Elijah Alejo, Caprice Cayetano, Cassy Lavarias.
Kasalukuyang nagsimula na ang taping para sa nasabing serye at makikita sa social media ang ilang pasilip sa set.
Ang Cruz vs. Cruz ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Gil Tejada Jr.
Silipin ang naganap na story conference ng 'Cruz vs. Cruz' sa gallery na ito.
Nagsama-sama ang cast ng upcoming drama series na 'Cruz vs. Cruz' sa kanilang naganap na story conference.
Nagbabalik Kapuso ang actress-singer na si Vina Morales matapos ang halos dalawang dekada sa pamamagitan ng upcoming drama series na 'Cruz vs. Cruz.'
Sa panayam ni Lhar Santiago kay Vina, sinabi ng aktres na masaya at excited siya sa pagbabalik niya sa GMA at sa paggawa ng serye.
“Actually, hindi ako mapakali. Hindi ako mapakali, alam mo 'yung mixed emotions? I had butterflies in my stomach going down the car. Nu'ng nasa basement na, sabi ko, 'Ninenerbyos ako. Ano ba 'yung feeling na ganito?'” sabi ni Vina.
Paglilinaw ng actress-singer, "Ninenerbyos ako, in a way, dahil excited ako."
Kabilang sa star-studded cast ng 'Cruz vs. Cruz' ang aktor na si Neil Ryan Sese. Natutuwa ang aktor sa mga makakasama niya sa naturang drama series.
Kuwento niya, “Nakakatuwa. Ang saya, halos lahat sila nakatrabaho ko na. Even si Ms. Vina noong nasa kabila pa kami, first time namin sa GMA ulit. Ang saya-saya dahil sobrang magaan siyang kasama, kakuwentuhan ko 'yan. Tapos si Ms. Gladys [Reyes] naman, nakatrabaho ko na dati. For sure magiging masaya 'yung set.”
Ang Primera Kontrabida na si Gladys Reyes ay kabilang sa cast ng 'Cruz vs. Cruz.' Masaya ang seasoned actress na makasama si Vina Morales sa isang serye.
“Sobra akong na-excite, at the same time, naisip ko, 'Teka lang. Nag-serye na ba siya ever sa GMA?' parang hindi pa no? So very first teleserye niya 'to sa GMA. I'm so happy na magkasama kami,” aniya sa isang panayam.
Labis ang tuwa at pasasalamat ng Kapuso actor na si Pancho Magno na maging bahagi ng 'Cruz vs. Cruz' at ang makatrabaho muli ang direktor na si Gil Tejada Jr.
Ipamamalas ng Sparkle actor na si Kristoffer Martin ang kanyang husay sa pag-arte sa 'Cruz vs. Cruz.'
Makakasama rin sa 'Cruz vs. Cruz' ang Sparkle actress na si Lexi Gonzales.
Abangan ang gagampanang karakter ni Elijah Alejo sa 'Cruz vs. Cruz.'
Kabilang din sa cast ng 'Cruz vs. Cruz' ang Sparkle actress na si Caprice Cayetano.
Makakasama sa cast ng 'Cruz vs. Cruz' ang aktres na si Gilleth Sandico.
Ang Kapuso child star na si Cassy Lavarias ay mapapanood sa 'Cruz vs. Cruz.'
Ang 'Cruz vs. Cruz' ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Gil Tejada Jr.
Abangan ang upcoming drama series na 'Cruz vs. Cruz' soon sa GMA.