Cast ng 'Voltes V: Legacy,' nagpasaya sa Kansilay Festival sa Negros Occidental

Ilang cast ng hit mecha adaptation na Voltes V: Legacy ang nakisaya sa Kansilay Festival sa Silay City, Negros Occidental nitong June 12. Kabilang sa mga nakidalo ay sina Miguel Tanfelix, Radson Flores, Martin del Rosario, at si Liezel Lopez.
Ang Kansilay Festival ay idinaraos upang magbigay pugay sa maalamat na si Princess Kansilay, isang prinsesa na ipinagtanggol ang kanilang bayan sa mga umaatakeng pirata, na naging dahilan din ng pagkamatay nito.
Sa pinaglibingan daw ng prinsesa ay isang puno ang nagbunga, ang unang puno ng Kansilay, kung saan hinango ang pangalan ng Silay City.
Katulad ng mahal na prinsesa ay pinaglalaban din ng Voltes V Team ang planetang Earth mula sa mga mananakop na Boazanian.
Pero pahinga muna ang Voltes V Team at ang mga Boazanian sa pakikipaglaban para makisaya muna sa mga Silaynons sa Kansilay Festival sa gallery na ito:











