Cast ng 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis,' sumailalim na sa gun training

Mapapanood ngayong taon ang pinakabagong action-comedy series ng GMA, ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
Kamakailan ay sumailalim ang ilang cast sa isang gun training, kung saan tinuruan sila ng PNP Special Action Force ng tamang paggamit ng firearm at sumabak din sa gun firing, bilang paghahanda para sa kanilang mga karakter sa nasabing programa.
Ito rin ay preparasyon para sa mga maaksyong eksena na mapapanood sa upcoming Kapuso serye.
Kabilang sa mga sumailalim sa gun training ay sina Beauty Gonzalez, Kate Valdez, Kelvin Miranda, Angel Leighton, at Niño Muhlach.
Sumalang din sa gun training ang Sparkle actress na si Max Collins bilang paghahanda sa upcoming action-comedy series. Nitong Abril, ibinahagi ni Max sa kanyang Instagram account ang ilang videos, kung saan makikitang pokus ang aktres sa paggamit niya ng baril.
Ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ay pinagbibidahan nina Ramon “Bong” Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.
Kabilang sa stellar cast ng serye sina Sparkle stars Kate Valdez, Kelvin Miranda, at Raphael Landicho.
Ipinakikilala rito ang Kapuso actress na si Angel Leighton.
Mapapanood din sa upcoming action-comedy series ang mga batikang aktor na sina Niño Muhlach, Ronnie Ricketts, ER Ejercito, Maey Bautista, at Dennis Marasigan.
Ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ay handog ng GMA Entertainment Group sa pamumuno nina Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy, Assistant Vice President for Drama Helen Rose Sese, Senior Program Manager Camille Hermoso, at Executive Producer Lenie Santos.
Ang creative team ay pinangungunahan nina Creative Consultant Jojo Nones at Head Writer Reggie Amigo. Kasama rin ang mga manunulat na sina Liberty Trinidad, Jake Somera, at Loi Argel Nova.
Abangan ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis soon sa GMA.







