Catriona Gray, inamin na ang dahilan ng breakup nila ni Sam Milby

Nagsalita na si Catriona Gray tungkol sa naging dahilan ng hiwalayan nila ng kaniyang ex-fiancé na si Sam Milby.
Sa interview ni Karen Davila sa Miss Universe 2018, inamin niyang nasaktan siya nang malaman niyang hindi pa pala umano handa si Sam sa “stage of commitment.”
Pahayag niya, “There was a point in our relationship where I think he just realized that he wasn't ready to take it to the stage of commitment that we thought we were on because he proposed. Then, a few months later, he realized that hindi pala siya ready.”
Kasunod nito, ibinahagi ni Catriona ang willingness niya sa pag-adjust para sa nararamdaman ng kaniyang dating partner.
Ayon sa beauty queen-actress, “So that was really hurtful for me, and I was really blindsided at that time. I really tried to make it work, and I was willing to adjust because when you love someone, you're willing to understand them.”
“Pero I got to a point na at that age and what we've been through, kung hindi ka pa rin sure, I think that's an answer already,” dagdag pa niya.
Sabi pa ni Catriona, mahirap man ito para sa kanya ngunit napagtanto niyang noong mga panahong iyon ay kailangan na niyang piliin ang kaniyang sarili.
Ibinahagi rin niya na bilang isang babae ay gusto niyang maikasal at bumuo ng pamilya.
“As a woman, I wanna have a family, like I wanna get married. I love to be a mom one day, and so I really want a partner who values me and sees that future with me, too.”
Matatandaang sa pagbisita ni Sam Milby sa Fast Talk with Boy Abunda, noong Mayo ng nakaraang taon, sinabi niyang naging mahirap umano para sa kanya ang naging hiwalayan nila ni Catriona.
Balikan ang relationship timeline nina Catriona Gray at Sam Milby sa gallery na ito.














