Celebrities and personalities born in the Year of the Snake

Year of the Wooden Snake ang 2025.
Base sa Chinese zodiac, ang mga taon ng ahas ay 1917, 1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, at 2013.
Sa mundo ng entertainment industry, maraming mga kilalang pangalan ang ipinanganak sa Year of the Snake gaya nina Nora Aunor, Piolo Pascual, Cassy at Mavy Legaspi, at Pia Wurtzbach.
Kabilang na rin diyan ang mga mang-aawit na sina Zack Tabdulo, Aiah Arceta, at JK Labajo, at si Pasig City Mayor Vico Sotto.
Sa Unang Hirit, nagbigay ng prediksyon ang Feng Shui consultant na si Johnson Chua ngayong 2025 na Year of the Wooden Snake.
Aniya, kung gusto ng recognition ng mga taong isinilang sa Year of the Snake, tamang panahon ang 2025 para mag-level up dahil sarili nila itong taon pero may babala ang Feng Shui coach.
"Maganda 'yung opporutnies, although 'yun nga lang medyo malakas din ang conflict energy kasi, syempre, kapag nasa stage ka or kilala ka, or lahat nakatingin sa 'yo, you are also prone sa mga taong naiinggit, pwedeng manira sa 'yo. Kaya dapat, huwag lang sila padalos-dalos sa mga decisions nila for the year."
Ayon naman sa isa pang Feng Shui expert na si Suzette Arandela, kailangang pag-aralang mabuti ng mga ipinanganak ng Year of the Snake ang nais pasuking negosyo kung gusto nilang maging profitable ito.
Pagdating naman sa love, ang pagiging secretive ay magiging dahilan ng away kaya advice niya na maging open sa partner.
Ipinapaalala rin nila ang mga prediksyong ito ngayong 2025 ay mga gabay lamang dahil nakasalalay pa rin sa tao ang kanilang kapalaran.
Kilalanin ang ilang sikat na celebrities at mga personalidad na ipinanganak sa Year of the Snake sa gallery na ito.
























