Celebrities and personalities react to Maris Racal, Anthony Jenning's alleged cheating issue

Bukod sa netizens, umani rin ng iba't ibang reaksyon mula sa ilang celebrities at personalities ang kinakaharap na "cheating" allegations ngayon nina Maris Racal at Anthony Jennings. Ito ay matapos na kumalat sa social media ang kanilang private messages.
Matatandaan na kamakailan lang nang ilabas ng ex-girlfriend ni Anthony na si Jam Villanueva ang screenshots ng conversations ng dalawang aktor.
Noong Biyernes, December 6, nagbigay na ng pahayag si Maris tungkol sa issue at ipinarating ang kanyang nararamdaman.
"Screenshots. When I read it, I was gutted, I was shocked. I'm truly embarrassed dahil nakita ng tao lahat 'yon without my consent, against my will. I read the screenshots over and over again...
"This is my side and I've been reading those screenshots. Du'n ko napagtagpi-tagpi ang lahat. Kaya pala hindi siya [Anthony Jennings] makapag-release ng statement dahil sila pa pala this whole entire time. I didn't know. I was in the dark. I have no idea," ilan sa naging pahayag ng aktres.











