Ngayong Linggo (September 21) ay kasalukuyang nangyayari ang mga kilos-protesta laban sa katiwalian at nakiisa rito ang ilang mga celebrities at personalities.
Ang ibang showbiz personalities naman ay ginamit ang kani-kanilang plataporma at mga boses laban sa korapsyon.
Tingnan kung paano ginamit ng mga artista ang kanilang plataporma laban sa katiwalian sa gallery na ito.
Ni-repost ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa kanyang Instagram story post ang post ng League of Filipino Actors (Aktor PH), kung saan sila'y nakikiisa sa mapayapa at makabuluhang pagtitipon ng sambayanan laban sa katiwalian.
Ibinahagi ng Ultimate Star na si Jennylyn Mercado ang larawan na mayroong quote tungkol sa pagwakas sa korapsyon.
"Protect people, not pockets. Invest in the future, not corruption. End corruption now," sulat sa photo.
Nakiisa ang Sparkle actor na si David Licauco sa laban kontra-korapsyon sa pamamagitan ng pagre-upload ng post ni Karen Davila sa kanyang Instagram stories.
Isang open letter ang ginawa ng It's Showtime host na si Kim Chiu sa X (formerly Twitter) para sa mga public "servant" leaders na binoto ng karamihan ng mga Pilipino.
"Ito ang bunga ng bulok at maduming sistema na pinahihintulutan at tiniis. Sa bawat bagyo, baha, at trahedya--kami ang umaangat at naghihirap. Hindi ito dapat maging normal. Hindi ito dapat katanggap-tanggap. Sobra na. TAMA NA. Panahon na para putulin ang siklo ng pagsasamantala. Ang perang galing sa buwis ng Pilipino ay dugo't pawis-- hindi ito laruan niyo na pwedeng paghati-hatian," nakasulat sa bahagi ng kanyang post.
Hindi man nakadalo sa protest rallies ang aktor na si Paulo Avelino ay nakiisa pa rin siya sa adhikain para sa integridad at pagbabago.
"Hindi man ako makakdalo sa rally laban sa korupsyon, buo ang suporta ko sa panawagan para sa pananagutan at malinis na pamamahala. Mahalaga sa akin ang laban na ito, at bagama't wala ako sa mismong pagtitipon, kaisa pa rin ako sa adhikain para sa integridad at pagbabago. Managot na dapat ang mga dapat managot. Makulong na ang lahat ng dapat makulong," sulat niya sa kanyang post.
“Protesting is never a disturbance of peace. Corruption, stealing and injustice are disturbances of peace. TAKE A STAND. We all deserve a better Philippines,” sulat niya sa kanyang post.
"Pag walang mapaparusahan sa mga hayop na sangkot sa korapsyon, SANA MAMATAY NA LANG AKO SA NATURAL NA PARAAN.
"Ayoko na dito sa mundo na impyerno," sulat niya sa kanyang post.
Sa Instagram, ibinahagi ni Pia Magalona kamakailan ang kanyang saloobin tungkol sa kasalukuyang political controversies at nai-ugnay ito sa mga social phenomena tulad ng Mandela at Streisand Effect.