News
Celebrities, inalala ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay ngayong Undas 2025

Ngayong Undas 2025, maraming mga personalidad ang nagbahagi ng kanilang emosyonal na mensahe at alaala para sa mga mahal nilang pumanaw.
Sa pamamagitan ng social media, ilang celebrities ang nag-post ng mga litrato ng kanilang namayapang kamag-anak, patunay na kahit abala sila sa kani-kanilang karera, hindi nila nakakalimutan ang mga taong naging bahagi ng kanilang buhay.
May ilan na bumisita sa sementeryo kasama ang pamilya, habang ang iba naman ay nag-alay ng dasal at nagtulos ng kandila sa kanilang mga tahanan.
Tingnan sa gallery na ito ang mga nakakaantig na paggunita ng mga artista sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay, na nagpapaalala ng kahalagahan ng pamilya at pag-alala sa mga nauna sa atin.







