Celebrities join forces to aid Typhoon Rolly, Ulysses victims

Libu-libong residente ng Luzon ang labis na naapektuhan ng malawakang pagbaha na dulot ng malakas na ulan at hanging dala ng mga bagyong Rolly at Ulysses na tumama sa bansa kamakailan.
Isa sa mga labis na nasalanta ng bagyo ang Metro, Manila, kung saan daan-daang mga bahay ang nalubog sa baha at maraming pamilya ang inilikas.
Dahil sa tindi ng mga kaganapan sa kasagsagan ng bagyo, ilang celebrities ang agad na nakipagtulungan sa mga awtoridad at sumaklolo sa mga nangangailangan.
Narito ang ilan sa mga celebrity na matapang na sinuong ang masamang panahon, naghandog ng serbisyo, at patuloy na lumilikom ng pondo para sa mga biktima ng mga bagyong Rolly at Ulysses.



























