Celebrities na first time voters ngayong Eleksyon 2022

Tinatayang 67.5 milyong rehistradong botante ang bumoto kahapon, May 9, sa national and local elections. Higit na mas mataas ito kumpara sa bilang ng registered voters noong 2016 and 2019 elections.
Ayon sa COMELEC, pitong milyon dito ay new registrants na kinabibilangan din ng mga celebrity.
Tulad ng mga ordinaryong mamamayan, pumila sila sa gitna ng initan at naghintay nang mahabang oras para makapagparehistro noong nakaraang taon para makaboto ngayong halalan.
Ilang buwan ang kanilang hinintay para rito kaya labis ang kanilang excitement sa kanilang first voting experience sa Eleksyon 2022.
Hindi nila ginamit ang kanilang popularidad o koneksyon para manindigan sa mga napili nilang future leaders ng bansa, tulad na lang ng anak ni Senator Lito Lapid na si 'Voltes V: Legacy' star Ysabel Ortega na alas sais pa lang ng umaga ay nakapila na sa kanyang polling precinct sa La Union.
Ganito rin si Pauleen Luna, na hipag ni vice-presidential bet Tito Sotto, na hindi alintana ang gutom para matupad ang kanyang karapatang bumoto.
Kamustahin ang experience ng iba pang first time voters ngayong Eleksyon 2022 dito:














