Celebrities na may lima o higit pang anak

Nasopresa ang marami nang ianunsyo nina Iya Villania at Drew Arellano na magkakaroon na sila ng ikalimang anak.
Ibinahagi nila sa Instagram ang kanilang muling pagbubuntis sa pamamagitan ng isang cute video kung saan sumasayaw sila sa kantang "Mambo No. 5" bago ipakita ang ultrasond image ng sanggol na nasa sinapupunan ni Iya.
Marami naman ang natuwa sa special announcement ng dalawa na inaakalang huling anak na nila ang kanilang ikaapat na anak na si Astro Phoenix na ipinanganak noong June 4, 2022. Sina Primo, Leon, at Alana ang mga nakatatandang anak nina Iya at Drew.
Kilalanin ang iba pang celebrities na may limang anak o higit pa sa gallery na ito.














